Ang Diyos ang lampas-personal na meron (Isang maka-Filipinong pagninilay sa liwanag ng pilosopiya ni Reb. P. Roque A.J. Ferriols, SJ)
Clicks: 2
ID: 287182
1997
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Star Article
0.3
/100
2 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
StarRanked #1,975 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Sa patuloy kong paglalakbay sa masalimuot at madaluyong na dagat ng Pilosopiya namulat ako sa katotohanan na bagamat di pa naman gasinong kalayuan ang aking nalalakbay ay marami na rin akong mga katanungang nakahagilap ng kasagutan. Namulat na rin ako na marami na rin pala akong nakasalubong at nakatagpong mga pilosoper mula sa iba't-ibang panahon at lunan. Nagkaroon din ako ng pagmumulat na sa dinami-dami ng aking hinanap na katotohanan, pinaka-interesante ang katotohanan hinggil sa Pinaka-Totoo, na bagamat mahirap mahiwatigan ay nagpapahayag rin naman.Naging totoo sa aking pamamangka ang sinasabi ng mga pantas na hindi raw maiiwasan sa pagtatanong ng tao hinggil sa kanyang sariling karanasan sa daigdig ng sangkameronan ang magtanong siya hinggil sa pinaka-Meron, ang Diyos.Ang tesis na ito ay isang pagtatangkang pag-ugnay-ugnayin ang mga dunong na aking nakamtan mula sa iba't ibang pilosoper tungkol sa Diyos. Ito ay naganap sa liwanag ng pilosopiya ng isang Filipinong tunay na maituturing na dakila sa pamimilosopiya, si Reb. P. Roque A.J. Ferriols, SJ.Nasumpungan kong mabisa at tunay na maka-Filipino and pilosopiya ni Ferriols. Tunay akong nabighani sa pamamaraan ni Ferriols kung kaya't litaw na litaw sa tesis na ito ang impluwensiya, sa pamamaraan higit sa lahat, ni Ferriols.Sa pasimula pa lamang ng tesis ay matingkad na ang paninindigan na ang Diyos ay meron at sumasameron. Ang hinagilap ay kung sa anong pamamaraan maaaring masumpungan ang pagpapahiwatig ng Diyos o sabihin na nating sa pamamagitan ba ng pagninilay makahahantong ang tao sa pagkamulat sa kung bilang ano at sino ang Diyos.Tutok ang tesis sa pamamaraang pagninilay. Bagamat pangunahing tauhan si Ferriols, may pagbanggit rin sa mga pilosoper na sa anumang paraan ay nakaimpluwensya sa akin. May espesyal na pagbanggit sa mga pilosopiya nina Sto. Tomas de Aquino, Martin Buber, Marcel Gabriel, Rudolf Otto at Norris Clarke na pawang nagbigay liwanag din sa pamimilosopiya ni Ferriols. Dagdag pa rito ay ang ibang mga itinuturing na Filipinong pilosoper tulad nina Leonardo Mercado, Emerita Quito, Vitalino Gorospe, Florentino Timbreza at Rainier Ibana, pawang mga guro sa Pilosopiya sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas.Ang tesis ay hindi kulong sa anumang paraan ng kaisipan kung kaya't animoy pinaghalo-halong metapisikal, klasikal, penomenohikal at eksistensyal. Ito ay bunga na rin ng aking may-akda. Subalit ang tesis na ito ay naglalayon din namang linangin ang nagdadalagang Pilosopiyang Filipino kung kaya't ito'y nasusulat sa sariling wika. Ano pa't ang pagninilay din naman ay litaw ang pagiging isang tunay na Filipino
| Reference Key |
persistent_1760660832_68f18d601c303
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Aranilla, Maxell Lowell C. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 1997 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.