Clicks: 5
ID: 286486
2025
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Emerging

Ranked #278 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Ang Dáyo: Mga Tula, na naglalaman ng 31 ekopeministang lakbay-tula sa wikang Filipino, ay isang malikhaing pagdalumat ng isang manlalakbay sa iba-ibang lugar pangturismo sa Pilipinas sa panahon ng Anthropocene. Ito ay may tatlong bahagi: Paglisan, Paglalakbay, at Pagluwas—na naaayon sa naratibo ng hero’s journey ni Joseph Campbell: pag-alis sa pamilyar, paglalakbay at pagiging dáyo sa bagong lugar, at pagbalik na may mas malalalim na pananaw sa sarili, sa inalisang lugar, at sa dinayong lugar. Ang teorya ng koleksiyon ay nakahanay sa ekokritikal na panitikan ng paglalakbay (ecocritical travel writing), kung saan may pagbibigay-diin sa relasyon ng manlalakbay sa kalikasan at epekto ng turismo sa kapaligiran. May kamalayan rin ito ng diwang kapuluan (archipelagic thinking) ni Édouard Glissant—ang pagtatwa sa hierarkiya batay sa kapangyarihan; at pagtaguyod ng pagkakaiba-iba sa kultura, wika, at sosyo-ekonomiko bilang magkakapantay na mga relasyon. Sa ganitong pamamaraan ng pag-iisip, pantay-pantay din ang pagtingin sa bawat isla ng Pilipinas. Tinatalakay ng mga tula kung paanong nagiging dáyo sa sariling bansa: ang suliranin ng arkipelago, ang suliranin ng komersiyalismo ng turismo, at ang pakikipag-unahan sa panahon at pagkawasak ng mga destinasyon. Inaasahan ang pagkasindak sa nananaig na mga tagpo, ngunit sa pagkamulat na ito’y inihahain rin ng hiraya ng mga tula ang paghilom sa hinaharap at ang pag-asa na may magagawa pa ang sangkatauhan. Mga susing salita: travel writing, travel poems, ecopoetry, ecofeminism, tourism
Reference Key
persistent_1760658721_68f18521a76a9 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors De La Cruz, Christa I.
Journal Malay Journal
Year 2025
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.