Ang pang-araw-araw na buhay sa Tayabas, Quezon sa ilalim ng diktaduryang Marcos, 1972-1986

Clicks: 1
ID: 286297
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal

Ranked #2,970 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Ang kasaysayan ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan sa panahon ng Diktaduryang Marcos sa bayan ng Tayabas ay isa lamang sa mga halimbawa ng napakaraming kwento at karanasan ng mga mamamayan na naranasan ang bahaging ito ng ating kasaysayan. Ang kasaysayang ito ay naglalahad sa kung papaano naging bahagi ang mga Tayabasin ng kasaysayan ng panahon ng Diktaduryang Marcos na makagpagbibigay sa atin ng mga karagdagan at bagong kaalaman patungkol sa bahaging ito ng ating kasaysayan. Paksa ng tesis na ito ang mga karanasan ng mga mamamayan ng bayan ng Tayabas mula sa deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 hanggang sa pagwawakas ng Diktaduryang Marcos noong 1986. Layunin ng pag-aaral na ito na maisakasaysayan ang mga karanasan ng mga mamamayan ng bayan ng Tayabas partikular ang pang-araw-araw na buhay na nakatuon sa mga tema ng kalusugan, kabuhayan, edukasyon, transportasyon, komunikasyon, libangan, at pakikisalamuha sa ibang tao. Batay sa resulta ng pag-aaral ay makikita ang magkakaibang pananaw, reaksyon, at karanasan ng mga mamamayan sa naging deklarasyon ng Batas Militar. Dito ay makikita ang pagsuporta at pagtutol sa nangyaring deklarasyon. Nagdulot din ito ng takot at pangamba sa mga Tayabasin. Sa aspeto naman ng pang-araw-araw na buhay ng mga Tayabasin ay makikita ang naging epekto ng mga patakaran at programa na ipinatupad sa ilalim ng Diktaduryang Marcos sa aspeto ng kalusugan, kabuhayan, edukasyon, transportasyon, komunikasyon, libangan, at pakikisalamuha sa ibang tao. Sa pagtatapos naman ng Batas Militar noong 1981 at pagwawakas ng Diktaduryang Marcos noong 1986 ay iba’t iba rin ang naging pananaw at reaksyon ng mga mamamayan sa bayan ng Tayabas. May mga sang-ayon at natuwa dahil tinitingnan nila itong pagbabalik ng kalayaan na nawala dahil sa Diktaduryang Marcos. Sa kabilang banda, nariyan din naman ang mga nanghihinayang dahil para sa kanila ay nagdulot ng kaayusan at disiplina ang Diktaduryang Marcos. Mga susing salita: Batas Militar, Diktaduryang Marcos, Tayabas, Pang-araw-araw na Buhay
Reference Key
persistent_1760658155_68f182eb2d343 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Saragina, Eric C.
Journal Malay Journal
Year 2024
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.