Pilosopiyang pilipina: Bulungan ng mga kaisipan nina Quito at Mananzan
Clicks: 4
ID: 286160
2015
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Popular Article
0.9
/100
4 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
PopularRanked #972 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Si Mananzan ang maaaring isa pang Pilipinang intelektwal na hindi man kasing sikat ni Quito sa grupo ng mga pilosopo, mapagtatantong posibleng daigin ang nasabing tanyag na pilosopong Pilipina sa dami ng citations sa Google Scholar. Gayunpaman, hindi layon ng pananaliksik na paghambingin ang kaisipan ng dalawang babaeng pantas, datapwat mithiin ng pag-aaral na magkaroon ng “bulungan” o pagpupulong ng kaisipan sina Quito at Mananzan sa pamamagitan ng kanilang tekstwal na produksyon. May pangkalahatang suliranin ang pananaliksik na: ano ang magiging saysay ng pilosopiya ni Quito kapag susuriin sa punto de bista ng pilosopiya ni Mananzan; ano ang magiging saysay ng pilosopiya ni Mananzan kapag susuriin sa punto de bista ng pilosopiya ni Quito; at ano-ano ang implikasyon ng mga saysay na ito sa pilosopiyang Pilipino? Ginamit ng pag-aaral ang dialohikal na hermenyutika ayon kina Martin Heidegger (1889 - 1976) at Hans Georg Gadamer (1900-2002) para sa tekstwal na dayalogo ng dalawang Pilipinang pilosopo. Sa pagkakatong ito, titingnan ng mananaliksik ang mga sumusunod na paksa ng kanilang pilosopiya: 1) teoretikal at praksiyolohikal na batis; 2) replektibong pananaw sa pilosopiya sa Pilipinas; 3) diskursibong katayuan sa pilosopiyang Pilipino; 4) metodo sa pamimilosopiya; 5) praksiyolohiya; at 6) pananaw sa lipunang Pilipino.
Sa pagsusuring ito, mahihinuha ang kahalagahan ni Quito sa pananaw ni Mananzan sa kanyang paglalahad espesipikong pagbabahagi ng mga suliraning nakasasagabal sa pagyabong ng pilosopiya sa Pilipinas, kadalubhasaan sa iba't ibang wika upang madalumat ang mga dayuhang kaisipan, malalim na teoretikal na pagsusuri kaya nakilala sa larangan ng pilosopiya, pagsusulat ng mga pag-aaral sa wikang pambansa, at pagpapalitaw ng identidad na diwang Pilipino. Mawawari naman ang kapakinabangan ni Mananzan sa pananaw ni Quito sa kanyang konsistenteng praksiyolohiyang nakikiisa sa mahihirap at inaaping kababaihan, paglilimbag ng mga sanaysay at talumpating produkto ng matapang na pakikibaka, problem-based na kritikal na pilosopiya, at malalimang pag-aaral sa kasaysayan. Madadalumat mula rito ang mga implikasyon ng mga saysay sa pilosopiyang Pilipino gaya ng kahalagahan ng kabatiran sa kasaysayan, pamimilosopiya gamit ang wikang pambansa, pagtutulungan ng teoretikal at praksiyolohikal na antas ng pilosopiya, kadalubhasaan sa iba’t ibang wika, paglabas sa komportableng kalagayan, at pagiging bukas sa kultura, tradisyon, at maging sa pilosopiyang taliwas sa sariling paniniwala.
| Reference Key |
persistent_1760657754_68f1815aa5f62
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Liwanag, Leslie Anne L. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2015 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.