NAVOTA(A)S: Pagmamapa ng bentahan sa pamilihang fish port complex gamit ang pag-aaral na socio-economic geography
Clicks: 4
ID: 286158
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Steady Performance
0.9
/100
4 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
SteadyRanked #1,354 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Bagama’t maituturing na napag-iiwanan sa pagiging industriyalisado ang Navotas kung ihahambing sa ibang lungsod ng Metro Manila ngunit malaki ang ekonomikal na gampanin nito sa kabuuang kalagayan ng Pilipinas. Hindi pinilit at hindi dayuhang gawain ang pagtatag sa lungsod ng Navotas Fish Port Complex o NFPC na tinuturing bilang pangunahing bagsakan ng isda sa bansa. Sa kadahilanan na isang pulo ang Pilipinas kaya malaking salik ang karagatan upang makapagbigay ng trabaho sa Pilipino. Kung gayon, minarapat sa pananalik na pagtuunan ang NFPC bilang sentro ng bentahan ng isda sa Pilipinas. Malawak ang lokasyong sakop ng Navotas Fish Port Complex ngunit ang tanging tuon lamang ng pananaliksik ang limang Market Halls na kung saan nagaganap ang bentahan ng isda. Nilayon ng pananaliksik na sipatin sa pangkalahatang epekto sa katayuan at kabuhasay ng mga Navoteño ang Navotas Fish Port Complex upang masipat ang manipestasyon ng “NavotaAs.” Mas mailalahad ito sa tiyak na pagdalumat ng suliranin: 1) kasaysayan ng Navotas na naging dahilan sa pag-usbong ng bentahan ng isda, 2) proseso ng bentahan sa tiyak na pamilihan ng isda batay sa pag-aaral na socio-economic geography, 3) epekto ng kalagayan ng bentahan sa ilalim ng platapormang “NavotaAs.” Ang mga suliraning nabanggit ang naging batayan upang gamitin na pangunahing teorya ang socio-economic geography sa kabuuang proseso ng bentahan ng isda. Nadalumat na mayroong magkatutulad na proseso ng bentahan sa limang Market Halls ngunit mas malawak ang pagpapadaloy sa Market Hall 1 sapagkat dito nagaganap ang kamada na bentahan ng isda habang karaniwang kada kilo lamang ang bentahan sa natitirang Market Halls. Gayundin, nasipat na malaki ang naibibigay ng NFPC sa aspektong ekonomiko ng Navotas dahil sa mga buwis na binabayaran at malaking bilang ng trabaho na naibibigay sa Navoteño. Samantala, natukoy ng mananaliksik na hindi sapat ang NFPC upang maging manipestasyon sa mga Navoteño ang platapormang NavotaAs sa lungsod. Naipakita ang talaban ng gampanin sa NFPC at kasapi sa bentahan patungkol sa tunay na umaasenso sa pamilihan ng isda. Patuloy lamang at walang pinagbago ang binabayaran ng mga kasapi sa bentahan sa kabila ng mga balakid sa panghuhuli at kasalukuyang pandemiyang Covid-19. Gayundin, ang pagtingin na karaniwang mga batillo o katiwala ang naibibigay na trabaho sa mga Navoteño dahil sa hindi sapat ang kanilang edukasyon o karaniwan silang informal settlers na malapit sa NFPC. Sa kabuuan, nasipat na bagama’t ipinagmamalaki ang ambag ng NFPC ngunit hindi ito ang tunay na solusyon sa kahirapan ng lungsod
| Reference Key |
persistent_1760657747_68f18153a9c47
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Tayone, Reneille Joy M. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2021 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.