Pagsusuri sa uri ng inkulturasyong isinusulong ng Apostolic Catholic Church gamit ang lente ng kaisipan ni Anschar Chupungco

Clicks: 6
ID: 286157
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Steady

Ranked #90 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, namumuhay na ang mga Pilipino sa pagsamba at paniniwala sa mga anito. Sa pagpasok ng mga Kastila ipinakilala ang Kristiyanismo na siyang naging relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng iba’t ibang denominasyon at adaptasyon sa kultural na gawain ng mga mananampalataya. Ito ay dahil sa pagnanais ng ibang mga namumuno na magkaroon ng simbahan na malapit sa danas ng mga Pilipino. Isa sa mga simbahang itinatag ay ang Apostolic Catholic Church, ito ay pinamumunuan ng isang patriyarko kaagapay ang iba pang bisyap at pari. Kaugnay nang nabanggit, layunin ng pag-aaral na matukoy at masuri ang inkulturasyong isinusulong ng Apostolic Catholic Church. Sa mas epesipikong pagsusuri dinalumat ang naging kasaysayan ng ACC, sinuri ang mga sakramento at wikang ginamit, at panghuli tinukoy ang uri ng inkulturasyong isinusulong ng ACC batay sa lente ng kaisipan ni Anschar Chupungco. Ginamit naman ng mananaliksik ang library archival, pakikipanayam, at obserbasyong etnograpiko bilang paraan ng pangangalap ng mga datos. Batay sa mga nakalap na resulta, ang Apostolic Catholic Church ay itinatag ni John Florentine Tereul katuwang ang kaniyang ina na si Maria Virginia Leonzon noong Hulyo,1991. Ang simbahang ito ay isang independyenteng simbahan na pinamumunuan ng isang patriyarko. Ang paraan ng kanilang pananampalataya ay kombinasyon ng Eastern Orthodox at Roman Catholic. Tradisyonal din ang paraan ng kanilang pananampalataya at pinananatili nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga tradisyon at kasuotan. Kapansin-pansin naman sa kanilang sakramento ang ilang mga naidagdag sa mga ritwal at terminong ginagamit gaya ng mga Filipino Honorifics na Mahal na Ingkong para sa banal na espiritu, Papang para sa patriyarko, at mamang para sa matriyarka ng simbahan. Makikita rin ang pagsasabuhay ng kaugaliang Pilipino sa kanilang mga gawain. Mayroon din silang tinatawag na banal na pagbabasbas o pagtatatak na siyang ibinibigay sa mga kasapi nito gaya ng apo, hiyas ni Maria, serapines, kerubin, anghelito, at anghelita. Samantala ang uri naman ng inkulturasyong isinusulong ng ACC ay halong metodo, makikita ito sa pagsasakultura ng kanilang mga gawain, ritwal, at tradisyon gayundin ang mga katawagan na kanilang ginagamit. Sa kabuoan masasabing litaw na litaw ang inkulturasyon at lokalisasyon sa mga gawain ng ACC. Nakadarama ng pagiging kabahagi at kaisa ng simbahan ang mga kasapi nito dahil ang ilang mga gawain sa simbahan ay nasa kultural na konteksto. Mga Susing Salita: Apostolic, Catholic, Inkulturasyon, Sakramento, Wika
Reference Key
persistent_1760657744_68f18150cedd5 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Pinca, Abbygale C
Journal Malay Journal
Year 2021
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.