Ang angas bilang lakas: Mga kuwento ng kabataang babae ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa (Senior High School)

Clicks: 3
ID: 286156
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Steady

Ranked #890 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Layunin ng pag-aaral na (1) mailatag ang mga kuwento ng angas bilang lakas ng mga kabataang babae, (2) matukoy ang kalimitang isyu/suliranin, at hamon ng mga kabataang babae ganundin kung paano nila ito hinaharap, at (3) madalumat ang angas/ o angas bilang lakas. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay nasa edad 18 hanggang 20 taong gulang na naging mga mag-aaral ng mananaliksik sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa (Senior High School). Gamit ang pakikipagkuwentuhan bilang metodo ng pananaliksik, sinuri ang mga binalikang alaala ng naging danas ng kabataang babae, pinagnilayan ang mga isyu/suliranin, hamon, at solusyon nila sa mga ito, at dinalumat ang angas nilang taglay batay sa kani-kanilang mga kuwento hanggang sa kung paano nila ito nagiging lakas. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang konteksto ng angas sa mga nabuong kuwento ng kabataang babae ay ang pagtingin nila sa kanilang sarili, sa kapuwa, o sa buhay na naipahahayag sa iba’t ibang pamamaraan bilang pagtugon nila sa kani-kanilang mga isyu/suliranin, at hamon sa mga sitwasyong pinagdaraanan. Napag-alaman din na ang itinuturing nilang isyu/suliranin ay ang ano mang sitwasyon na naghahatid sa kanila o sa mahahalagang tao sa kanilang buhay ng lumbay at kabiguan gaano man ito katagal nang naganap. Nagsisilbing hamon sa kanila na pag-igihan at magpatuloy sa buhay dahil sa pag-asang hatid ng kani-kanilang sariling paniniwala at/o pagtitiwala ng mga taong mahalaga sa kanilang buhay. Bukod pa dito, natuklasan din na ang angas sa konteksto ng kanilang mga kuwento ay ang paraan nila ng pagtugon sa mga isyu/suliranin, at hamon na tumitingkad sa mga pagkakataong dinadala sila sa mga sitwasyong kinakailangan nilang protektahan o pangalagaan ang kanilang sarili at/o mga taong mahalaga sa kanilang buhay. Ang kanilang angas sa kabuuan ay ang lakas at tapang nilang harapin, pasanin, o tanggapin ang mga sitwasyong hindi nila kayang kontrolin.
Reference Key
persistent_1760657737_68f18149c493d Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Mandap, Lynette V
Journal Malay Journal
Year 2021
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.