Pagtuklas-pagbagtas-pagmulat: Isang pagsipat sa danas ng kamuwangang pansarili at kamulatang sosyal ng mga piling mag-aaral ng senior high school (SHS) sa naratibo ng mga piling coming of age film ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival

Clicks: 2
ID: 286153
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Steady

Ranked #1,277 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isang panimulang pagsipat sa umuusbong na genre ng coming of age film sa Pilipinas. Naging tuon ng tesis ang pagsusuri sa kung paanong nagtatagpo ang sining ng pelikula at realidad sa pagdiskurso ng kamuwangang pansarili at kamulatang sosyal, ang dalawa sa pangunahing paksa ng isang coming of age film. Gayundin, sinipat ng pananaliksik ang papel ng pag- aaral sa pelikula bilang optiko ng pagsusuri ng lipunan at ang ambag nito sa pagpapalawig ng sakop at antas ng Araling Filipino bilang disiplina. Isinakatuparan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga piling full-length film mula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival: ang Pisay (2007), The Animals (2012), #Y (2014), at John Denver Trending (2019). Ginamit bilang gabay sa pagsusuri ang Three Dimensions of Film Narrative ni David Bordwell. Bukod dito, nagsagawa rin ng sarbey sa piling mga mag-aaral ng Senior High School (SHS) ng Pamantasang De La Salle, Maynila. Mula sa pagsipat sa mga pelikula at paglalagom sa resulta ng mga tugon ng respondents, natukoy ang dalawang paraan ng pagtatagpo ng pinilakang-tabing at realidad sa pagdiskurso sa konsepto ng coming of age. Una, bilang salamin at/o ekstensyon ng kolektibong danas na makikita sa mga pelikulang Pisay (2007) at John Denver Trending (2019). Ikalawa, bilang likhang realidad na masasalamin sa mga pelikulang The Animals (2012) at #Y (2014). Gayundin, nabuo mula sa naging pagsusuri sa naratibo ng mga pelikula ang mungkahing balangkas ng mananaliksik na maaaring gamitin ng mga iskolar at/o mag-aaral na magkakaroon ng interes na sipatin pa ang genre ng coming of age film sa Pilipinas. Binubuo ito ng tatlong salik: ang (a) PAGTUKLAS na tumutukoy sa karakterisasyon, mga tunggalian, at mundong kinapapalooban ng kuwento; (b) PAGBAGTAS na sumusuri sa paraan ng pagharap ng mga tauhan sa kani- kaniyang tunggalian at ang mga elementong nakaapekto rito; at (c) PAGMULAT na sumasalamin sa naging resolusyon ng mga tinalakay na problema sa pelikula.
Reference Key
persistent_1760657725_68f1813d651b4 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Concha, Christopher Bryan A.
Journal Malay Journal
Year 2021
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.