Ang lipunan sa pelikula, ang pelikula sa lipunan: Sipat-saysay sa mga pelikulang nagwagi sa piling yugto ng Metro Manila Film Festival (2010-2019)
Clicks: 3
ID: 286152
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Steady Performance
0.6
/100
3 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
SteadyRanked #673 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga film festival sa bansa, itinuturing na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) pa rin ang pinakamatagal at pinakamalaking film festival sa Pilipinas. Itinaguyod ito bilang pagkilala sa papel at tungkulin ng industriyang pampelikula at upang magpakita ng malikhaing paglalarawan ng parehong kuwento at kasaysayan ng bansa. Mahigit apat na dekada nang ipinagdiriwang ang MMFF at napatunayan na rin na maraming mahuhusay na pelikula ang naitanghal na rito. Ngunit sa mga nakalipas na taon ay nakilala pa rin ito bilang film festival na higit na pabor sa mga pelikulang komersiyal at popular, sa mga pababago-bago nitong pamantayan, gayundin sa patuloy na pagkakasangkot nito sa mga isyu at kontoberisiya partikular na sa mga pinagkakalooban nito ng parangal. Sa ganitong diwa, nilayon ng pag-aaral na masipat ang kabuluhan ng MMFF batay sa mga pelikulang nagwagi sa MMFF sa mga taong 2010 hanggang 2019. Pangunahing tunguhin sa pananaliksik na matukoy ang mga sumusunod: (a) mga pagbabagong naganap sa kasaysayan ng MMFF sa yugtong naganap ang pinakamalaking transpormasyon mula sa pamantayan, kraytirya, at komposisyon ng komite; mga nakamit na pag-unlad/debelopment, at mga isyu o kontrobersiyang kinasangkutan nito (b) pangkalahatan at ispesipikong tema sa mga pelikulang Best Picture (c) imahen at mga diskursong panlipunan sa mga pelikulang nagwagi. Mula sa mga konseptong tinalakay ng Young Critics Circle (2009), bumuo ang mananaliksik ng balangkas/modelo sa pagsusuri na tinawag na PELIKULA – Paksa at tema, Espasyo at Panahon, Larawan/Imahen, Ideolohiya, Karakter, Ugnayang Presentasyon at Representasyon, Lengguahe/wika at Artikulasyon/Adhikain ng Pelikula. Para naman sa kabuuang pagtalakay sa mga nagwaging pelikula gayundin sa kabuuang saysay ng Metro Manila Film Festival, partikular na ginamit bilang lente ang mga ideya at pananaw ni Bienvenido Lumbera (2000) sa Lipunang Pilipino sa Pelikula, Pelikula sa Lipunang Pilipino. Ang pag-aaral tungkol sa mga nagwaging pelikula ng MMFF (2010-2019) ay nakapagbukas ng marami pang usapin at diskurso tungkol sa mga isyu at suliraning patuloy na nararanasan ng bansa. Sa kabila ng samot-saring mga isyu at kontrobersiyang kinaharap ng MMFF, maituturing na makabuluhan pa rin ang mga pelikulang nagwagi sa pagsisilbi nito bilang midyum sa pagtatampok ng mga isyu/usapin sa lipunan at pagsalamin nito sa mga negatibong kalagayan ng Pilipinas. Napatunayan na malaki ang papel ng mga pelikulang nagwagi sa MMFF sa paghawan ng landas upang maipakita ang mga tunggaliang panlipunan at mga puwersang nagdidikta rito. Sa tulong ng dinebelop na balangkas/modelo (PELIKULA) higit na natukoy ang kabuluhan/saysay ng
| Reference Key |
persistent_1760657722_68f1813a76bda
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Autor, Mariz S. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2021 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.