Mga imahen ng kababaihang pintor: Mga ideolohiyang politikal ng mga piling pinta nina Anita Magsaysay-Ho at Karen Ocampo Flores

Clicks: 4
ID: 286134
2025
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Emerging

Ranked #696 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Sa napakaraming bilang ng mahuhusay na pintor na babae, tanging sina Anita Magsaysay-Ho (1914-2012) at Karen Ocampo Flores (1966) mula sa magkaibang panahon ang lubos na nagmarka at nagpatunay bilang mga natatanging pintor. Ang parehong pintor ay may natatanging estilo, midyum, at materyales na ginamit sa kanilang pinta. Isa rin sila sa mga artist na may mahusay na konsepto sa kanilang pinta at higit sa lahat ay may malaking pagmamahal sa Pilipinas. Gamit ang Semyolohiya ni Roland Barthes, Apat na Antas ng Pagsusuri ni Alice Guillermo, at Modipikadong Ideolohikal na Spectrum nina Hans Slomp na iminodipika ni Feorillo Demeterio, sinuri ang piling walong pinta ng dalawang pintor. Sa pamamagitan ng dalawang teoretikal na balangkas na ito, nabigyang-lalim ang pagpapakahulugan at nagkaroon ng komprehensibong pagtalakay sa mga pinta. Sa pagsusuri, nakitang nagpokus si Anita sa rural na pamumuhay ng kababaihan at romantisadong paglalarawan ng kanilang tradisyunal na papel. Habang, ang pinta naman ni Karen Ocampo Flores ay tila nagsilbing instrumento para sa panlipunang pagbabago kung saan ipinakita ang tunay na sitwasyon ng babae buhat sa impluwensya ng kolonyal at patriyarkal na sistema. Mula naman sa walong ideolohiyang politikal, nangibabaw sa pinta ni Anita ang pagiging konserbatibo at liberal habang radikal at moderado (Slomp, Demeterio) naman ang kay Karen Flores. Gayunpaman, pareho naman ang dalawang pintor na may pagpapahalaga sa indibidwal kaysa sa estado dahil sa kanilang mga pintang nagpapakita ng iba’t ibang tagpo sa buhay ng isang kababaihan. Ang nasuring pagkakaiba sa politikal na ideolohiya ay nagpapatunay sa kapangyarihan ng sining na ito ay hindi lamang bilang salamin ng lipunan kundi bilang aktibong tagalikha ng kamalayang panlipunan kung saan ang mga pintor ay hindi lamang nagpapahayag ng kanilang ideolohiya kundi nagiging mga tagatakda rin ng diskurso na humuhubog sa pananaw at kilos ng mga Pilipino, maging ito man ay para sa pagpapanatili o pagbabago ng umiiral na estruktura ng kapangyarihan sa lipunang Pilipino. Susing-salita: Apat na Antas ng Pagsusuri, babaeng pintor, Ideolohikal na Ispektrum, ideolohiyang politikal, pinta, semyolohiya
Reference Key
persistent_1760657670_68f1810672c82 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Serote, Cristy Allen L.
Journal Malay Journal
Year 2025
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.