Br. Andrew B. Gonzalez, FSC: Pantas ng pananaliksik at edukasyong Pilipino

Clicks: 4
ID: 286132
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Steady

Ranked #1,162 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Ang disertasyong ito ay isang intelektuwal na kasaysayang buhay ni Br. Andrew B. Gonzalez. Si Br. Andrew ay kilalang iskolar ng lingguwistika. Ngunit, sa kasaysayan ng iskolarsyip sa bansa hindi nabigyan ng tuon ang kanyang mahahalagang ambag sa larangan ng edukasyon at pananaliksik. Natabunan ito ng kanyang mga ambag bilang tanyag na pinuno ng Pamantasang De La Salle. Sinaysay ng disertasyon ang kinapopookan ni Br. Andrew sa pangkalahatang kasaysayan ng iskolarsyip sa bansa. At nais ihanay ng pag-aaral si Br. Andrew sa mga higanteng intelektuwal na kinabibilangan nina Salazar, Enriquez, Quito, Mercado, at marami pang iba. Gamit ang tambalang kasaysayang buhay na pinatanyag ng mga iskolar na may kaugnayan sa Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar at ang kanluraning teoryang hermenyutika na nag-ugat naman mula sa mga obra ni Friedrich Schleirmacher at Wilhelm Dilthey, sinuri ng mananaliksik ang ilang mga akda ni Br. Andrew na may kinalaman sa edukasyon at pananaliksik. Pinalutang ng mananaliksik ang ugnayan ng buhay ni Br. Andrew at ng kanyang mga kaisipan. Ang pag-aaral ay naglalarawan sa paghubog ng kasaysayang buhay ni Br. Andrew at ang kaniyang aktibong pakikilahok sa mga larangan ng pananaliksik at edukasyon sa iba’t ibang yugto ng kanyang buhay. May tatlong tiyak na layunin ang disertasyon, ito ay ang mga sumusunod: Isalaysay ang kasaysayang buhay ni Br. Andrew mula sa kanyang talaangkanan, pagkabata, pag-aaaral, propesyunal na karera, hanggang sa kanyang kamatayan; isalaysay ang mga pamamaraan ni Br. Andrew Gonzalez sa kanyang intektuwal na ugnayan sa mga indibiduwal at organisasyon sa larangan ng pananaliksik; at Ilahad ang naitatak na mahahalagang kontribusyon ni Br. Andrew sa pagsusulong ng edukasyon sa Pilipinas. Sa Kabanata 4, klarong nailarawan ng mananaliksik ang kasaysayang buhay ni Br. Andrew. Kung paano naging malakas ang impluwensya ng kristiyanismo at ang misyon ng mga La Sallian Brothers sa kanyang intelektuwal na pag-unlad. Liban pa ito sa impluwensya ng pamilya, mga pamantasang pinag-aralan, mga katuwang sa mga organisasyon, at marami pang iba. Sa Kabanata 5 at Kabanata 6, ipinakita ng mananaliksik ang mga mahahalagang ambag ni Br. Andrew sa edukasyon at pananaliksik sa bansa. Sa pinakahuling Kabanata, nagbigay ang mananaliksik ng ilang mga mahahalaga at positibong kontribusyon ni Br. Andrew sa pangkalahatang Araling Pilipino. Susing Salita: Br. Andrew Gonzalez; Hermenyutika, Kasaysayang Buhay, Kasaysayan, Kapampangan, Araling Pilipino, Lasallian, DLSU, De La Salle
Reference Key
persistent_1760657665_68f18101178cc Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Viray, Joseph Reylan Bustos
Journal Malay Journal
Year 2021
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.