Uswag kalinangan tungo sa pagbuo ng mungkahing programa para sa mga Mulusiyano sa Pamantasang Notre Dame

Clicks: 4
ID: 286127
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Steady

Ranked #391 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Isang multikultural na lipunan ang Pilipinas na binubuo ng iba’t ibang pangkat - Muslim o Bangsamoro, Kristiyano at Katutubo o Lumad. Ang bawat isa ay yaman ng bansa. Ang bawat isa ay dangal o dungog ng kaniyang sariling kultura at lipunan. Ang kaniyang kultura o kalinangan na bahagi ng kaniyang karapatang pantao ay dapat unawain, isulong, magwagi, iabi-abi, at igalang. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang sariling modelong USWAG na salitang Bisaya at binubuo ng mga salitang Unawa, Sulong, Wagi, Abi-abi, at Galang bilang dalumat sa mga batayang teorya ng pag-aaral na multikulturalismo, multikultural na edukasyon, at cultural competence na tinawag niyang uswag kalinangan. Dinalumat ng pag-aaral na ito ang pag-uswag ng kalinangang Mulusiyano, likhang salita ng mananaliksik na tumutukoy sa hinahabing identidad ng mga nagkakaisang Muslim, Lumad, at Kristiyano sa Pamantasang Notre Dame ng Marbel sa Lungsod Koronadal, South Cotabato.Ang papel ay binubuo ng walong kabanata. Para sa unang kabanata, binubuo ng introduksiyon, layunin ng pag-aaral, paglalahad ng suliranin, kahalagahan ng pag-aaral, daloy/estruktura ng pananaliksik, at depinisyon ng mahahalagang termino sa pag-aaral. Para sa ikalawang kabanata, binubuo ito ng mga kaugnay na pag-aaral hinggil sa kalinangan, mga wika sa Pilipinas, multikultural na edukasyon, multikulturalismo, uswag kalinangan, kalinangang Mulusiyano, at NDMU bilang institusyong nagpapahalaga sa kultura.Tinalakay naman sa ikatlong kabanata ang disenyo ng pananaliksik, teksto ng pananaliksik, saklaw, pook ng pananaliksik, paraan ng pangangalap ng datos, batayang konseptuwal, batayang teoretikal, kalendaryo ng pananaliksik, instrumento (talatanungan at gabay na mga tanong para sa pakikipanayam), at detalye ng metodong ginamit sa pagkuha at pagsusuri ng datos. Naging bahagi ng ikaapat na kabanata ang pagkilala sa mga Mulusiyano ng Notre Dame of Marbel University. Inalam din ang kani-kanilang katangian. Sa ikalimang kabanata, ipinakilala ang mga programang pangkultura ng NDMU na lumilinang sa uswag kalinangan ng mga Mulusiyano sa unibersidad. Sa ikaanim na kabanata, dito naman inilahad ang gamit ng modelong USWAG sa pagsusuri at pagbuo ng programang pangkultura ng NDMU. Inilahad kung paano natutukoy at nalilinang ang mga uswag kalinangan ng mga mag-aaral na Mulusiyano sa NDMU. Ipinakilala rin sa bahaging ito ang mungkahing programa para sa mga Mulusiyano sa NDMU. Sa ikapitong kabanata naman ang paglalahad ng kongklusyon at rekomendasyon. Nasa huling kabanata naman ang dalumat ng mananaliksik bilang Lumad at kasapi ng Pamantasang Notre Dame. Mga Susing Salita: USWAG, Kalinangan, Mulusiyano, Programang Pangkultura, Pamantasang Notre Dame
Reference Key
persistent_1760657651_68f180f3283ef Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Badie, Jun Yang
Journal Malay Journal
Year 2021
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.