Pun Nomnoman: Kultural na sentimyento sa korpus ng mga akda ni Padre Francis Hubert Lambrecht bilang ambag sa Araling Pilipinas

Clicks: 6
ID: 286125
2021
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Steady

Ranked #162 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Siniyasat ng mananaliksik ang piling korpus ng mga akda ni Padre Francis Hubert Lambrecht bilang daluyan sa pagbubuo ng katangian ng Kontemporaryong Araling Filipino. Naging pokus ng pag-aaral ang mga teksto na pumapaloob sa kultura, relihiyon, sining, at panitikang Ifugao na kaniyang nadokumento sa mahigit limang dekadang pamamalagi sa iba’t ibang bayan ng Ifugao at sa buong Kordilyera. Inilapat sa pag-aaral ang pamamaraang Hermenyutika ni Schleiermacher bilang dulog sa pagtatagpo ng mga teksto at konteksto ng pag-aaral. Upang maging tapat sa paggamit ng metodo, isinalaysay ang intelektuwal na buhay ni Padre Lambrecht nang may pagsasaalang-alang sa kaniya bilang isang misyonero at antropologo. Gayundin, inilatag ng mananaliksik ang personal na danas sa usaping inkulturasyon at akulturasyon para sa prosesong divinatory ng Hermenyutika at ginamit ang natibong salita sa Ifugao na pun nomnoman bilang pamamaraan ng kritikal na pag-iisip o way of thinking sa paghahayag ng sarili sa kulturang bunsod ng sinkretismo. Lumabas naman sa resulta ng pag-aaral ang anim na dominanteng tema mula sa mga akda ni Padre Francis na naging batayan upang matukoy ang ambag ng mga dokumentong ito sa usaping pamamaraan, tema, at mga peligro sa pagsasagawa ng pag-aaral sa ilalim ng Araling Pilipinas. Susing salita: Ifugao, Francis Lambrecht, Kultura, Relihiyon, Araling Pilipinas, Araling Kordilyera
Reference Key
persistent_1760657645_68f180ed80864 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Amtalao, John Angiwan
Journal Malay Journal
Year 2021
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.