Kapistahan ni Senyor San Miguel Guerero ng Iligan: Susi sa etnokultural na integrasyon ng tri-people

Clicks: 4
ID: 286123
2023
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Steady

Ranked #429 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Isang multikultural na lipunan ang Mindanao na nagtatampok ng iba't ibang kultura at tradisyon na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga mamamayan dito. Ang pagdating ng dayuhang mananakop ang nagbunsod ng malawakang impluwensya sa lipunan higit lalo sa paglaganap ng iba't ibang relihiyon sa pulo na nagpabago sa ugnayan ng mga tao. Samantala, ang dakbayan ng Iligan ay maituturing na isang multikultural na lungsod na binubuo ng tri-people-- Dumagat (Katoliko at di-Katoliko), Mëranaw, at Higaonon. Sa kabila ng pagkakaiba ng kultura ng mga Iliganon, hindi maihihiwalay sa kanilang sinaunang paniniwala ang diwa ng pananagisag na masasalamin sa kanilang mga isinasagawang ritwal at seremonya. Ang pagdiriwang ng pista ng dakbayan ng Iligan ay nagsilbing inklusibong espasyo na nagbibigay pagkakataon sa bawat pangkat na ipahayag ang kani-kanilang kultura sa pamamagitan ng paglahok sa mga kultural na kaganapan ng lungsod. Kaugnay nito, mahalagang suriin ang kabuoang halaga ng kapistahan ni Senyor San Miguel Arkanghel, isang guererong patron na tagapagpanalipud ng dakbayan sa etnokultural na integrasyon ng tri-people. Isinagawa ang isang etnograpikong uri ng pananaliksik sa pangangalap ng impormasyon mula sa mga pangunahing gawain at ritwal ng pagdiriwang. Gayundin, isinaalang-alang ng mananaliksik ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa mga susing impormante na magpapalalim sa pagtalakay hinggil sa integrasyong etnokultural. Bahagi rin ng pagtalakay sa pag-aaral ang nangingibabaw na sinkretismo at tradisyong dulot ng pinaghalong pananampalataya at animistikong gawain. Lumabas sa pag-aaral na si Senyor San Miguel ay nagkaroon ng iba't ibang bersyon ng pagkakakilanlan bilang protektor laban sa kasamaan sa paniniwala ng tatlong pangkat ng dakbayan. Nakikilahok sa pagdiriwang ng pista ang mga di-Katoliko, Mëranaw, at Higaonon partikular sa mga sosyo-kultural na gawain na nagtatampok ng pagpapahalagang kultural ng lungsod sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pinaniniwalaan. Natuklasan din sa pag-aaral na ang ilan sa mga Katolikong Dumagat na deboto ng patron ay may lahi ng Mëranaw at katutubo kaugnay sa isinalaysay na kasaysayan ng dakbayan. Samantala, malaking hamon pa rin sa isang multikultural na lungsod ang pagkamit ng isang perpekto at nagkakaisang lipunan. Nabatid sa pag-aaral ang mga hamong kailangang tugunan ng mga relihiyoso at sibikong pamunuan sa usapin ng panatisismo, istiryotipiko, at pantay na representasyong pangkultura ng tri-people sa pagdiriwang. Sa pangkalahatan, masasabing nangingibabaw ang paggalang ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura at tradisyon ng mga Iliganon na malinaw na naihahayag sa mga gawain ng Diyandi Festival. Itinatampok ang pagwawagi ng kabutihan laban sa kasamaan na simbolikal na representasyon nito ang imahen
Reference Key
persistent_1760657637_68f180e516b33 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Unabia, Crislie Lumacang
Journal Malay Journal
Year 2023
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.