Ang mga kapital ni Bourdieu at ang pagpapamana ng mga santo: Tatlong case study sa mga trans-henerasyonal na pamilyang kamarero sa Lungsod ng San Pablo, Laguna
Clicks: 1
ID: 286122
2023
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
0.0
/100
1 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Ranked #3,293 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Sa pag-aaral, pangunahing nilayon na mabatid ang paraan ng pagpapamana at mga pagbabagong naganap sa pagsasalin ng mga kapital ni Bourdieu, ang pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, at simbolikal mula sa unang henerasyon hanggang sa ikatlong henerasyon ng mga pamilyang kamarero mula sa lungsod ng San Pablo, Laguna. Mula sa konsepto ng panlipunang reproduksyon ng sosyolohistang Pranses na si Pierre Bourdieu, nailantad ang mga danas at hamon ng isang kamarero kung saan hindi naisantabi ang kagalingan ng pagsasalin ng mga magulang at iba pang kasangkot sa gawaing kamarero upang masigurong mapagtagumpayan ng susunod na henerasyon na yakapin ang taglay nilang mga kapital. Ginamit ng mananaliksik ang metodong Case Study na ibinatay sa Key Informant Interview (KII) at Archival na Pananalisik ang pangunahing ginamit sa pangangalap ng datos. Malaki ang paniwala ng mananaliksik na sa paggamit ng metodong ito matutukoy ang mga mahahalagang datos na pangunahing tutugon sa tiyak na suliranin na naitala sa pananaliksik. Dagdag pa rito, angkop ito upang makamit ang mga kabatirang naka-angkla sa mga kwentong buhay ng mga itinampok na tatlong pamilyang kamarero sa lungsod ng San Pablo, Laguna. Sa paglahad ng karanasan, lubos na naunawaan ang tradisyon, pagpapamana at ang paraan kung paano sila binago ng mga kapital sa mahabang panahon ng kanilang pagiging isang kamarero. Natuklasan sa masusing pag-aaral ng mananaliksik na malaki ang gampanin ng ninuno o matandang kamarero sa pamilya sa pagsasalin ng mga kapital na pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, at simboliko mula sa unang henerasyon patungo sa ikalawang henerasyon hanggang sa maisalin sa kasalukuyan, ang ikatlong henerasyon. Litaw na litaw ang aktibiong pakikisangkot ng naunang kamarero sa proseso ng mga teknik sa mga gawain at pagsasalin sa susunod na henerasyon upang matiyak na mahusay na maihatid ang kaalaman at kabatiran sa pagsasanto. Hindi rin maisasantabi ang mahalagang gampanin ng mga matatandang kamarero lalo na ang upang mas lalong mapatingkad ang kasanayan ng ikalawa hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Kumbinsido ang mananaliksik na sa matinding pagsisikap ng mga unang kamarero ng pamilya na yakapin ng susunod na henerasyon, natutupad ang kanilang pangarap na patuloy na maitaguyod ang kanilang nasimulang panata ng pamilya na maging bahagi ng taunang prusisyon ng lungsod at maging isa sa tagapagsulong ng malalim na pananampalataya ng mga deboto ng mula sa lungsod at maging mula sa mga karatig na bayan na aktibong nakikilahok sa pagdiriwang. Kaya naman matapos mabuo ang pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na makapagsagawa pa ng pag-aaral kung saan
| Reference Key |
persistent_1760657634_68f180e241529
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Servo, Princess Gissel Dionela |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2023 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.