Bató bató sa langit, biyayà ng mala/sákit! Mga naratibong danas ng mga piling Pilipinong kidney transplant recipient at kidney donor
Clicks: 3
ID: 286121
2023
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Steady Performance
0.6
/100
3 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
SteadyRanked #2,039 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Batay sa talâ ng Renal Disease Control Program (REDCOP) ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nagkakasakit ng Chronic Kidney Disease (CKD) at ang kung hindi naagapan, humahantong ito sa End Stage Renal Disease (ESRD). Layunin ng pananaliksik na ito na likumin at ilahad ang mga danas ng malasakit ng mga piling kidney transplant recipient at kidney donor at masuri ang pagpapakahulugan nila sa malasakit. Isinalaysay ng mga kidney transplant recipient kung paano nila hinarap ang pagsubok mula sa yugto ng pagkakatuklas na sila ay may CKD hanggang sa yugto pagkatapos ng kidney transplant. Isinalaysay ng mga kidney donor ang kanilang mga danas kaugnay sa pagpapadama ng malasakit sa kanilang mahal sa buhay na hinandugan ng isa sa kanilang mga bató. Ibinahagi naman ng mga nephrologist at kidney surgeon ang iba’t ibang hámon at suliraning hinaharap ng Pilipinas sa larangan ng panggagamot sa bató gaya ng kidney transplant. Inilapat ang teoryang labas, loob, at lalim sa Pagkataong Pilipino ni Dr. Prospero Covar, kaakibat ang Ang Tao sa Ka-taw-an at sa Ka-tau-han: Pag-uugnay sa Pagpapakatao, Pakikipagkapuwa-tao, at Pagkatao ni Dr. Roberto Javier sa pagdalumat ng malasakit. Sa pamamagitan ng katutubong pamamaraan na pakikipagkuwentuhan at pagtanong-tanong, natuklasan na may naratibo ang mga kidney transplant recipient kaugnay sa dama at danas ng malasakit mula sa kanilang pamilya at kapuwa. Nagsilbi itong gamot sa kanilang karamdaman at naging daan upang muling maging produktibo at makabalik sa lipunan. Mula naman sa danas ng malasakit ng mga kidney donor, hindi sila nagsawang tumulong sa pinagkalooban ng bató at wala rin silang inaasahang kapalit sa ginawang pagsasakripisyo at kagandahang loob. Ang mahalaga ay madugtungan ang buhay ng kapamilyang nangangailangan ng tulong. Magkaiba ang pagpapakahulugan ng mga kidney transplant recipient at mga kidney donor sa malasakit. Para sa sa mga kidney transplant recipient, ang malasakit ay nagmula sa mga tulong at suporta mula sa pamilya at kapuwa. Samantala, sa mga kidney donor, umuugat ang kanilang pagmamalasakit sa kanilang espiritwalidad. Naniniwala silang kalooban ng Diyos na sila ang magdugtong ng buhay sa pamilyang may pangangailangan ng bató. Kaugnay nito, may mga sámot-sarìng suliranin at hámong hinaharap ang mga doktor sa larangan ng kidney transplant sa Pilipinas tulad ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nagkakasakit ng CKD, kasalatan sa kidney donor, kamahalan ng proseso sa transplant at mga gamot, kakulangan sa pondo, mga doktor na hindi nagsusulong ng adbokasiya ng kidney transplant, mga
| Reference Key |
persistent_1760657631_68f180df5ab7b
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Rodulfo, Flordeliza Sala |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2023 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.