Ang animo sa sikolohiyang Pilipino: Ang kasaysayan, diskurso, at direksyon ng SP sa DLSU-CLA
Clicks: 2
ID: 286117
2023
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Steady Performance
0.3
/100
2 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
SteadyRanked #3,524 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Bahagi ang Sikolohiyang Pilipino (SP) ng pagbuo sa alternatibong sikolohiya. Bilang alternatibong sikolohiya nilalayon nitong kumatawan sa nabuong teorya-metodo ng sikolohiya na nakabatay sa kamalayan, kalinangan, at konteksto ng mga taong sinuri. Kaalinsabay nito, ang paglaya sa bulag na pagsunod sa Kanluraning teorya-metodo at mabigyang boses ang mga marhinalisadong grupo. Ninanais din nitong kilalaning kapantay ng mainstream na sikolohiyang dinomina ng Kanluraning kaalaman. Kaya sa pagtatagpo ng dalawa inaasahang mabuo ang tunay na unibersal na sikolohiya. Patuloy ang pagyabong ng SP sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan na sinasalamin ng bulto ng mga pananaliksik at mga indibidwal at institusyong nagsusulong dito. Maliban sa U.P. halos wala pang naisulat na tumatalakay sa kasaysayan, katayuan, at direksyon ng SP sa kanilang institusyon, kaya pagtugon ang disertasyong ito sa panawagan ng mga pananaliksik sa pagsasagawa nito. Malaki ang naitulong ng suporta ng DLSU sa pagsisimula at pagpapaunlad ng Pilipinisasyon sa pedagohiya, organisasyon, at publikasyon. Nakatulong sa pagpunla at paghubog ng Sikolohiyang Pilipino sa DLSU ang pamumuno ni Br. Andrew B. Gonzalez, FSC, pagtuturo at pagbibigay panayam nina Enriquez, Covar, at Salazar sa Departamento ng Filipino at Sikolohiya sa DLSU-CLA. Dagdag pa rito ang pagdagsa ng paglipat ng mga propesor sa DLSU na sumusuporta sa SP at pagtuturo ng mga naging estudyante nina Enriquez, Covar, at Salazar.
Nakatuon lamang ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng paksa, diskurso, at teorya-metodo ng mga nakalap na iskolarling saliksik sa Google Scholar ng mga tinukoy na sumusuporta at naglilimbag ng mga pananaliksik na SP. Matapos ang isinagawang kalitatibong sistematikong rebyu, nakalikha ng limang tema ng mga iskolarling pananaliksik 1) Replektibo, 2) Pananampalataya, 3) Identidad, 4) Sekswalidad, at 5) Pangkalusugan. Samantala, gumamit ang mga pananaliksik ng katutubo, banyaga, at sinkretismo ng mga teorya at dalumat sa pagbuo ng sariling dalumat. Masasabing tungo sa nagsasariling agham panlipunan ang direksyon ng SP sa DLSU dahil nakakalikha ang mga iskolar nito ng sariling mga problema, adyenda, teorya, at metodo ng pananaliksik. Dagdag dito, kritikal ding humahalaw ang mga saliksik ng mga konsepto, metodo, at mga problema mula sa tradisyon ng agham panlipunan ng Kanluran.
Mga Susing Salita : Sikolohiyang Pilipino, Indihenisasyon, Pilipinisasyon, Alternatibong Sikolohiya, Agham Panlipunan
| Reference Key |
persistent_1760657620_68f180d42f7ad
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Anastacio, Deborrah Sadile |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2023 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.