Isang case study tungkol sa dinamiks ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong aeta sa Tarlac

Clicks: 9
ID: 286114
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Emerging

Ranked #28 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Layunin ng pag-aaral na mailahad ang dinamiks ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aeta sa Tarlac. Pangunahing nilayon ng pananaliksik na madalumat ang mga inisyal na kapital, nalikhang kapital, at ang naging transpormasyon ng mga kapital na naging instrumento, nakaapekto at nakatulong ng lubos sa mga katutubo upang magtagumpay sa buhay. Inilahad sa pag-aaral ang kuwentong buhay ng mga kalahok tungo sa pag-abot ng kanilang mga pangarap kung saan binigyang-diin ang kanilang mga karanasan, pinagdaanan upang matamo ang mataas na antas ng edukasyon, pagkamit ng kanilang akademikong titulo, ang nagsilbing motibasyon, inspirasyon, pinanghuhugutan ng lakas, tatag ng loob, pangarap at ang mga salik na nakaapekto sa mga aspetong ito. Gayundin, inilahad ang mga inisyal at nalikhang pang-ekonomikong kapital, panlipunang kapital, kultural na kapital, simbolikong kapital, at emosyonal na kapital ng mga kalahok. Dinalumat din kung paano pinakikinabangan ang mga kapital, at ang mga naging transpormasyon nito. Tinukoy din kung ano-ano ang mga nabago sa kanilang pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, simboliko, at emosyonal na kapital dulot ng pag-angat nila sa buhay. Ginalugad din kung anong kapital ang pinakanabago at kung anong kapital ang nagsilbing pinakamahalaga sa kanilang paglalakbay tungo sa tugatog ng tagumpay. Ang mananaliksik ay gumamit ng metodong Case Study na ibinatay sa Ginabayang Pakikipagkuwentuhan (Guided Interview) upang makakalap ng sapat na datos na magpapatibay sa pag-aaral. Angkop ang paggamit ng pamamaraang ito upang matukoy ang mga mahahalagang datos na nakaangkla sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aetang kalahok sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng metodong ito, maiisa-isa at makakalap ang mga inisyal, nalikha, at transpormasyon ng mga uri ng kapital ng bawat kalahok. Ang mga datos na nakalap ay magsisilbing pundasyon upang madalumat ang kabuuan ng pag-aaral. Mula sa isinagawang pag-aaral, napatunayan na malaki ang impluwensya ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aeta sa Tarlac. Nailahad kung ano-ano ang inisyal at nalikhang kapital ng mga kalahok. Gayundin, nadalumat kung paano ang naging transpormasyon ng pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, simboliko, at emosyonal na kapital ng mga kalahok. Batay sa naging resulta ng pagdalumat sa dinamiks ng mga kapital ni Bourdieu sa kuwento ng tagumpay ng mga katutubong Aeta sa Tarlac, ang panlipunan at emosyonal na kapital ang pinakamahalagang kapital ng mga kalahok. Nakatulong ang kuwento ng tagumpay na inilahad ng mga katutubo upang mabigyang-linaw na ang dalawang kapital na ito ang pinakaimportanteng kapital sa kanilang pagtatagumpay sa buhay. Kaugnay nito,
Reference Key
persistent_1760657609_68f180c908c9b Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Morales, Shindy Abigael P.
Journal Malay Journal
Year 2024
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.