Lagëng hu nanangën: Saysay at pagsasalaysay ng mga nanangën bilang dalumat ng kamalayan ng mga katutubong Bukidnon

Clicks: 4
ID: 286110
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Emerging

Ranked #2,052 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Nais bigyang puwang sa pag-aaral na ito ang pagsusuri sa oral na panitikan partikular ang mga nanangën ng mga katutubong Bukidnon mula tribung Higaonon ng Baranggay Kulaman, Malaybalay City, Bukidnon. Ang pag-aaral ay sumailalim sa kaukulang protokol sa pananaliksik ng katutubong panitikan tulad ng paghingi ng Free Prior Informed Consent mula sa tribu at sa pinuno ng Baranggay Kulaman, at pagsasagawa ng kaukulang ritwal o pamuhat at panulod. Ang mga impormante ay natukoy batay sa kanilang naging papel sa komunidad bilang mga magnanangën ng tribu. Nagsagawa rin ng mga panayam sa mga katutubong mula sa iba’t ibang pangkat ng gulang. Muling Pagsasalaysay o Retelling at Pagsasalin, na dinalumat bilang Salaysalin ang dulog na ginamit sa pangangalap at pagsusuri ng mga nanangën. Sa pamamagitan ng Tematik na Pagbasa at Pilosopiyang Pilipino bilang batis ng pagsusuri, natugunan ang sumusunod na mga tiyak na suliranin ng pananaliksik: Ano-ano ang nilalaman ng mga nanangën sa muling pagsasalaysay at pagsasalin nito? Ano-ano ang mga pangunahing tema at paksa ng mga nanangën? Ano-anong mga nakakubling diskurso ang ipinahihiwatig ng mga nanangën? Batay sa resulta ng pananaliksik, mahalagang dulog ang Muling Pagsasalaysay at Pagsasalin sa preserbasyon ng katutubong panitikan. Napalalawak ang saklaw ng mga mambabasa at naitutulay ng Salaysalin ang kultura, tradisyon at kamalayan ng mga katutubong Bukidnon. Lumabas din sa paghihimay ng mga nanangën na ang mga pangunahing tema sa mga naratibo ay ang sumusunod: Pagkakaibigan, Katarungan, Pagmamahal sa Pamilya, Katusuhan, Garbo, Kahangalan at Kasibaan. Ang mga natukoy na tema ay representasyon ng mga katangian, karanasan, hangarin, damdamin, saloobin at reyalidad ng mga katutubo. Sa kabuuan, ang mga nanangën ay artikulasyon ng kultural, politikal at panlipunang kamalayan ng mga katutubong Bukidnon. Mula sa mga temang lumabas sa mga naratibo, natasa ang mahalagang papel ng mga nanangën sa pagpapanatili ng mga pagpapahalagang katutubo at pagpapatibay ng kanilang pangkulturang kakanyahan. Ipinakikita rin ng pananaliksik ang masalimuot na talaban ng naratibo at lipunan, at kung paaanong nagsasalikop ito sa paglalantad ng kanilang politikal na kamalayan.
Reference Key
persistent_1760657597_68f180bd54362 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Atanacio, Heidi C.
Journal Malay Journal
Year 2024
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.