Si aypod bay upadan: Ang pagmumuhon ni Antoon Postma sa araling Mangyan ng Mindoro
Clicks: 1
ID: 286106
2025
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
0.0
/100
1 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Ranked #2,825 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Isang katangian ng kultura ay ang pagpupunyaging maiangat ang mga tradisyon na nagbibigay ng kasarinlan at ideolohiya ng isang komunidad. Nagpapakita ito ng kaugalian, tradisyon, paniniwala o relihiyon na hinabi ng matagal na panahon at ang ilan ay nanatili pa rin sa kasalukuyang pag-iral. Nagsisilbi rin ang kultura na pintuan nang nakaraan na nagsasalaysay ng mga katangi-tanging kaganapang maaaring magbigay ng aral at kabatiran sa kasalukuyan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang intelektwal na talambuhay ng isang iskolar na nagmapa ng kultura at panitikang Mangyan sa Araling Pilipinas gamit ang lente ni Schleiermacher. Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay; 1) ilarawan ang naging talambuhay na Antoon V. Postma bilang isang paring misyonaryo at bilang isang bahagi sa pangkat Hanunuo, Mangyan; 2) maglahad ng mga dominanteng temang naisulat ni Postma mula sa mga tesktong pagbabatayan ng pagkuha ng datos na nagtataguyod sa pagsulong ng Araling Mangyan/ Mindoro; 3) maghain ng impluwensya ng mga kontribusyon ni Postma hinggil sa pagsasagawa at pagpapakahulugan sa Araling Mangyan/ Mindoro sa Araling Pilipinas batay sa kaniyang naging pamamaraan, mga paksa, at teoretikal na ambag. Ginamit ng mananaliksik ang Deskriptibong Pag-aaral Batay sa Pansinupang Pananaliksik at Gawaing Pansilid-Aklatan (Archival Research and Library Work). Ang pagtatala, pagsisinop, at pag-iisa-isa sa nilalaman ng mga naisulat ni Postma ang naging batayan ng mananaliksik upang matukoy ang mga pangkalahatang diskurso o temang naisulat ni Postma na nagsusulong ng identidad ng kultura at panitikang Mangyan. Naging batayan ng mananaliksik ang lente ni Scheleirmacher sa kaniyang teoryang Hermeneutics na ang pagpapakahulugan ng mananaliksik sa mga tekstong kultural ni Postma ay isang mahalagang gawain at gampanin sapagkat nagbibigay daan ito sa masusing pagpapakahulugan o interpretasyon at pagpapahalaga sa kahulugan ng tekstong pangkultura. Sa pag-aaral sa intelektwal na talambuhay ni Postma ipinakita ang pagkakaroon ng iba’t ibang akda na naging ambag niya sa mundo ng kasaysayan, wika, antropolohiya, at kultura. Nakasalamuha niya sa kaniyang isinagawang pagmimisyon ang mga pangkat-etnikong Hanunuo, Mangyan na nagbigay ng daan upang matuklasan niya ang mas malawak na kaalaman ng isang komunidad, gawi, at tradisyon nito. Nagbigay daan ito upang itayo niya ang Mangyan Heritage Center na impok-salukan ng mga karunungan at kaalaman sa Araling Mindoro. Naging pangunahing paksa ng kaniyang pag-aaral ang tungkol sa Ambahan at kulturang Mangyan na nagbigay direksyon upang makapagtipon at makapa-ambag ng mga aklat na magiging batayan sa paglulunsad ng Araling Mangyan. Binigyang pansin ang solidong katibayan ng pagmumuhon ni
| Reference Key |
persistent_1760657585_68f180b1d6236
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Fallan, Jay B. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2025 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.