Pagdalumat sa B-U-H-A-Y: Danas ng ahente at kliyente sa life insurance

Clicks: 7
ID: 286103
2025
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Emerging

Ranked #1,761 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Abstrak Bilang panimulang pag-aaral at bilang tugon sa kakulangan sa pag-aaral sa life insurance, ang disertasyon na ito ay nagpokus sa pagkuha ng datos kung paano inuunawa ng ahente at kliyente ang kanilang danas sa bentahe, usapin, hadlang, ayuda, at yaman sa life insurance at ano ang kahulugan at kabuluhan ng pangakong ginhawa ng life insurance sa ahente at kliyente. Ang mga naunang pag-aaral ay naisagawa sa kwantitatibong pamamaraan at pumapatungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagbili o pagtangkilik ng life insurance. Ito ay penomenolohikal na kwalitatibong pag-aaral. Ginamit ang pakikipagkuwentuhan at ginabayang talakayan ng Sikolohiyang Pilipino bilang metodo sa pagkuha ng datos na siyang ginamit ding teksto ng pananaliksik. Ito ay nilahukan ng labingsiyam (19) na ahente at labingwalong (18) kliyente. Pinili ang kalahok na may danas sa life insurance na may edad labingwalo pataas. Piniling itago ang pagkakakilanlan ng mga ahente at kliyente. Ang pakikipagkuwentuhan at ginabayang talakayan ay nairekord, sumailalim sa transkripsyon, deduktibong tematikong pag-aanalisa gamit ang B-U-H-A-Y (bentahe, usapin, hadlang, ayuda at yaman). Ginamit ang mga konseptong nakapaloob sa teorya na ginhawa ni Villaroman- Bautista at sinuri ang datos batay dito. Sa pag-aaral na ito, inilarawan ang danas ng ahente at kliyente sa life insurance. Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay (1) Ano-ano ang naratibo ng danas ng ahente kaugnay ng Bentahe ng life insurance; Usapin tungkol sa life insurance; Hadlang sa pag-aahente ; Ayuda mula sa life insurance; at Yaman na galing sa life insurance. (2) Ano-ano ang mga naratibo ng danas ng kliyente kaugnay ng Bentahe ng life insurance: Usapin tungkol sa life insurance; Hadlang sa pagbili ng kliyente, at Yaman na galing sa life insurance? (3) Paano nagkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang ginhawang pangako ng pagbebenta at pagbili ng life insurance? Ang isinagawang pagdalumat sa B-U-H-A-Y ng danas ng ahente at kliyente ay nagbigay ng malalim na pag-unawa sa danas, ambag sa kahalagahan ng literasing pangpinansyal at ambag sa teorya ng ginhawa sa konteksto ng life insurance. Natuklasan sa pag-aaral ang maganda at hindi magandang danas ng ahente at kliyente sa life insurance. Sa pamamagitan ng pag-alam sa danas ng bentahe, usapin, hadlang, ayuda, at yaman ng ahente sa life insurance ay maaaring mapahusay ng ahente ang kaniyang mga estratehiya sa pagbebenta, relasyon sa kliyente at kakayahang mapalakas ang kaniyang sikolohikal at emosyonal na kalagayan. Parehong mahalaga ang literasing pinansyal sa mga kliyente at gayundin sa ahente.
Reference Key
persistent_1760657577_68f180a91e894 Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Cabardo, Raquel T.
Journal Malay Journal
Year 2025
DOI
DOI not found
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.