Reimahinasyon ng bagong lipunan: Ang imahen at naratibo ng batas militar sa mga piling pelikula ng mga bagong manlilikha
Clicks: 2
ID: 286095
2022
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Steady Performance
0.3
/100
2 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
SteadyRanked #1,885 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Siniyasat ng pananaliksik na ito ang mga kontemporanyong pelikula tungkol sa Batas Militar. Ang mga pelikulang ito ay binuo ng mga direktor na ipinanganak sa panahon ng pag-iral ng diktadurya sa bansa. Bunsod ng muling pagbabalik ng pamilya Marcos sa pinakamakapangyarihang posisyon sa bansa, kailangang magkaroon ng kritikal na kamalayan ang bawat Pilipino upang masigurong hindi malilimutan ng makabagong henerasyon ang pangyayari noong panahon ng Batas Militar. Nais na alamin ng pananaliksik na ito ang paraan ng pagpapakita ng mga bagong manlilikha sa imahen ng lipunang Pilipino sa panahon ng Batas Militar at kung paano nito binasag ang mga mitong lumalaganap sa lipunan sa kasalukuyang panahon. Sinuri ng mananaliksik ang mga pelikulang Aparisyon (2012) ni Isabel Sandoval, Mga Kuwentong Barbero (2013) ni Jun Lana, Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na (2013) ni Jet Leyco, Respeto (2017) ni Treb Montreras II, Liway (2018) ni Kip Oebanda, at ML (2018) ni Benedict Mique. Naging gabay sa pananaliksik ang mga pag-aaral tungkol sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino, mahahalagang sanaysay at datos sa panahon ng Batas Militar, at mga umusbong na sining na ginamit sa mga kilos-protesta laban kay Marcos Sr. Bukod dito, ginamit na lente ng mananaliksik ang pananaw ng Pambansang Alagad ng Sining na si Bienvenido Lumbera sa kaniyang sanaysay na Ang Pelikula sa Lipunang Filipino, Ang Lipunang Filipino sa Pelikula, Ang Tatlong Dimensyon ng Naratibong Pelikula ni David Bordwell, at ang konsepto ng imahen sa aklat na Sining ng Sineng Filipino ng Young Critics Circle. Batay sa mga nakalap na datos sa pananaliksik, binigyan ng bagong bihis ng mga bagong manlilikha ang pagkukuwento ng mga naratibo sa pelikula hinggil sa Batas Militar para sa kasalukuyang henerasyon. Hindi nakakahon sa iisang paraan ang pagpapakita ng korapsyon, karahasan, pananamantala, at pang-aabuso ng pamilya Marcos. Sa halip, gumamit ng iba’t ibang estilo ang mga bagong manlilikhang ito na nakabatay sa kanilang personalidad at karanasan. Matapang ding sinagasa ng mga pelikula ang mga mito at gawa-gawang kuwento na maririnig at mababasa sa kasalukuyan gamit ang mga simbolismo, linya ng mga karakter, at komentaryo sa pelikula. Katulad ng mga pelikula tungkol sa Batas Militar na ipinalabas noong dekada 70 hanggang 2000, mababakas pa rin sa mga kontemporanyong pelikula ang lalim ng sugat na iniwan ng mga Marcos sa isipan at buhay ng mga biktima. Pilit mang baguhin at iayon ang kasaysayan sa kanilang panig, hindi kailanman maaalis ng mga makinaryang ito ang pilat na natamo ng
| Reference Key |
persistent_1760657554_68f180925346a
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Mateo, Christian Philip A. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2022 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.