Alternatibong espasyo, alternatibong identidad: Pagbubuo at pagganap ng mga baklang identidad sa alter twitter
Clicks: 4
ID: 286094
2022
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Steady Performance
0.9
/100
4 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
SteadyRanked #463 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at internet, patuloy rin ang pag-usbong ng mga panibagong espasyong para sa komunikasyon at representasyon. Ang pagsilang ng mga social networking site (SNS) katulad ng Twitter, na isa sa mga pinakapopular na SNS sa bansa, at ang patuloy na pagtangkilik at paggamit nito ng mga Pilipino ay patunay lamang sa mayamang kulturang internet na matatagpuan sa Pilipinas. At lutang na lutang ang ganitong gamit ng internet sa hanay ng mga baklang Pilipino sa pag-usbong ng tinatawag na alter Twitter community, na siyang manipestasyon sa patuloy na pagtuklas ng mga bakla sa internet bilang abenida upang harapin at/o makipagtunggalian sa kanilang mga sarili, makipag-ugnayan sa kapwa bakla, at buuin ang kanilang identidad sa gitna ng isang patriyarkal at heteronormatibong lipunan. Tinuklas ng pag-aaral na ito ang pagbubuo ng mga bakla sa kani-kanilang mga identidad sa tulong ng alter Twitter, habang sinipat rin ang nilalaman ng alter Twitter bilang isang baklang espasyo, ang pagtatanghal na isinasagawa ng mga bakla sa alter Twitter, at ang komunidad na nabubuo sa pakikipag-ugnayan ng mga alter Twitter user sa bawat isa. Naisakatuparan ang mga pagtuklas na ito sa pamamagitan ng personal na pagsipat ng mananaliksik sa mundo ng alter Twitter, at sa pakikipanayam sa limang alter Twitter user na maituturing na mga exhibtionist alter user at wholesome alter user, ayon sa kategorisasyon ng mga alter user nina Piamonte, et. al. Sa pagpapalalim ng nakalap na datos, ginabayan ang mananaliksik ng konsepto ng Eight Dimensions of Cyberpsychology ni Suler at ng Teoryang v Rampa ni Madula na nagsiwalat ng mga susing kabatiran ukol sa mundo ng alter Twitter at pagganap ng mga bakla sa naturang espasyo. Sa pakikipanayam sa mga baklang alter Twitter user, lumalabas na tumatawid mula sa personal at sa sosyal ang mga motibasyon sa pagkakaroon ng alter Twitter account at paglahok sa komunidad. Ang identity dimension ng arkitektura ng Twitter bilang isang cyberspace, na nagbibigay sa kanila ng belo ng anonymity, ang susi sa pagtupad ng kanilang mga layunin sa plataporma, at naitatanghal nila ang kanilang mga sarili sa tulong ng text at sensory dimension ng Twitter, sa anyo ng mga tweet, larawan at bidyo, fleets, at malay na pagpili ng mga elemento ng kanilang buhay na ilalakip sa kanilang mga profile. Samantala, nabubuo ang komunidad ng alter Twitter bunsod ng social dimension ng naturang SNS, dahilan upang makipag-ugnayan at makipagkaibigan ang mga bakla sa mga kapwa alter
| Reference Key |
persistent_1760657551_68f1808f441fd
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Genecera, Jezryl Xavier T. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2022 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.