Angat ang ukay!: Pagsusuri sa papel ng Youtube content ni Shaira Luna bilang tulay ng gitnang uri sa pagkonsumo ng ukay-ukay
Clicks: 4
ID: 286080
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Emerging Content
0.9
/100
4 views
3 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
EmergingRanked #1,333 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Ang merkado ng mga segunda manong produkto ay kabahagi ng isang pinapairal na pabilog na ekonomiya. Sa pandaigdigang konteksto, kasalukuyan itong tinitignan bilang isang alternatibo at progresibong institusyon na siyang sumasalungat sa nakasanayang mabilis na produksyon at konsumpsyon ng mga produkto. Sa lokal na konteksto, ito ay tinatawag na “Ukay-Ukay”. Gayunpaman, nang dahil sa pag-iral ng mga panibagong plataporma ng impluwensya lalo na sa mundo ng social media, mas kinikilala na ngayon ang ukay-ukay bilang isang bagong moda ng indibidwalisasyon at aestetisasyon para sa mga taong kabilang sa mas mataas na uri ng konstruksyong panlipunan. Sa pag-aaral na ito, ang ukay-ukay ay ginagalugad sa espasyo ng mga plataporma ng social media. Batid ng mananaliksik na dahil sa patuloy na pag-unlad at pagpapadaloy ng impormasyon sa mga plataporma ng social media, nagkaroon ng ekstensyon ng kaalaman tungkol sa ukay-ukay. Ang partikular na pokus ng pananaliksik na ito ay ang papel na ginagampanan ng Youtube Content ng “Ukay-Ukay Queen” na si Shaira Luna sa pagtutulay nito sa interes at pagtangkilik ng gitnang uri sa ukay-ukay. Inilalahad ng pananaliksik ang iba’t ibang mga tema, imahe, at obserbasyong mula sa mga salik ng integradong konsepto ng popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay, pati na rin ang panlipunan at kultural na kapital na taglay ng personalidad at influencer na si Shaira Luna. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsusuri ng piling mga bidyo at komento mula sa channel ni Shaira. Mula rito, natuklasan ng mananaliksik ang 9 na temang paulit-ulit na lumabas. Anim (6) dito ang nahahanay sa integradong popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay habang ang tatlo (3) naman ay nasa ilalim ng diskusyon ng panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna. Bukod sa paggamit ng isang integradong metodo ng pagtetema ay nagsilbing sandigan ng pag-aaral ang teorya ng social constructivism ni Lev Vygotsky (1968). Kabilang sa mga temang inuri sa ilalim ng popularisasyon at gentripikasyon ay ang Terminolohiya at Visual Aesthetics, Nostalgia, Affordable Luxury, Interaksyon at Relasyong Parasosyal, Pagpuri at Paghanga para sa mga Produktong Ukay, at Pagtaas ng Interes at Purchase Intention ng mga mamimili. Para naman sa bahagi ng panlipunan at kultural na kapital ni Shaira Luna, ang mga temang inuri sa kategoryang ito ang mga sumusunod: Promo at Komersyal, Pamantayan at Pagtanggap, at Atraksyong Pangkasanayan. Mula rito, naihanay at naitapat ang mga tema bilang tugon sa pagsusuri ng mga salik sa popularisasyon at gentripikasyon ng ukay-ukay na sumasangga sa panlipunan at
| Reference Key |
persistent_1760657511_68f18067b7dc3
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Barrion, Michaela Dominique Aure |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2024 |
| DOI |
DOI not found
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.