Sistema ng Pamantayan ng mga Pilipino bilang Batayan ng Pagbuo ng Pasya ng mga Kumupkop sa mga Batang may Human Immunodeficiency Virus (HIV)
Clicks: 3
ID: 283978
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Emerging Content
0.6
/100
3 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
EmergingRanked #1,579 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Tutuon ang papel na ito sa pagtingin sa sistema ng pamantayan ng mga Pilipino (Filipino values system) ni Landa Jocano bilang pangunahing salik sa pagbuo ng mga itinuturing na komplikadong desisyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing suliraning sasagutin sa papel na ito ay, paano nabubuo ang pagpapasya ng mga kumukupkop sa mga batang may Human Immunodeficiency Virus (HIV)? Sasagutin ito sa tulong ng mga sumusunod na tiyak na suliranin: 1.) Paano nabuo ang pamantayan ng mga kumupkop sa pagbibigay-halaga sa mga batang may Human Immunodeficiency Virus (HIV)? 2.) Ano-ano ang mga aspektong pangkaasalan ang nagtulak sa desisyong panatilihin ang pagkupkop sa mga bata, sa kabila ng pagkakaroon nila ng sakit? 3.) Paano hinarap ng mga kumupkop sa mga batang may Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang mga hamon sa kanilang naging desisyon? Lumabas sa pag-aaral na mayroong mataas na pagpapahalaga sa bata, sa kamag-anak at sa kapuwa sa kabuuan ang mga kumupkop. Ipinakita ang pagpapahalagang ito sa elementong asal kung saan isinaalang- alang ang kanilang turing sa kapuwa at damdaming sumalamin sa kanilang pagiging marangal. Panghuli, ang mga ugnayan ng diwa sa budhi, kapalaran, bisa at “bahala na” ang nagsisilbing pangunahing ugat sa pagbuo ng kanilang desisyon. Sa kabuuan, masasabing ang mga Pilipino ay makatao, may pagpapahalaga sa pamilya at kapwa at hinubog ng kultura upang maging mas matibay dahil sa kanilang mga paniniwala at pananampalataya. Ang mga katangiang ito ay sumasalamin sa sistema ng pamantayan ng mga Pilipino (Filipino values system) na hindi namamalayang nagiging batayan ng mga desisyon ng mga Pilipino lalo na sa mga sitwasyong hindi pangkaraniwan gaya ng pagkupkop ng mga batang may HIV.
| Reference Key |
persistent_1760650213_68f163e5d360c
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Faye N. Fuentes |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2024 |
| DOI |
10.59588/2243-7851.1004
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.