Uso Pa Ba ang Pakikibaka: Kontekstuwalisasyon ng Piling Awiting Makabayan sa Panahon ng Pandemya

Clicks: 3
ID: 283975
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Emerging

Ranked #501 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Ang mga awitin ay isang magandang daluyan ng pagpapahayag ng mensahe kabilang ang pagpapataas ng diwang makabayan sa pamamagitan ng pagiging malay sa mga isyung panlipunan buhat ng pagmamahal sa bayan. Sa kasaysayan ay marami nang makabayang awitin ang napakikinggan sa mainstream media o tampok na midya, higit pa, ilan sa mga ito ay naging inspirasyon para sa ilang pagbabagong panlipunan. Sa pagpasok naman ng panahon ng pandemya (taong 2020–2022) at laganap na korupsiyon at katiwalian ay may ilang makabayang awitin pang sumalungat sa usong genre at tema ng mga awiting nangunguna sa mga tsart. Layunin ng papel na ito na mabigyang kontekstuwalisasyon ang tatlong awiting mainstream na may temang politikal (“Kapangyarihan” ng Ben&Ben (2022), “Dekada ’70” ni Zild (2022), at “Sanggol” ng Muni-muni (2020)). Iuugnay ang mahahalagang pangyayari sa lipunan na pinapaksa ng mga awitin at ang mas malalim na suri sa mga suliranin ng bayan buhat dito, gayundin ang paggamit ng makabayang awitin upang matalakay ang mga tiyak na isyung panlipunan, isyung panlipunan sa nakaraan, at pangkalahatang kalagayan ng lipunan. Magiging pangunahing gabay sa porma at pagtalakay ng papel na ito, at maaaring maging pagtutuloy, ang papel na “Ang Euphoria, Pakikibaka, at Bahala Na: Kontekstuwalisasyon ng Piling Awiting Post-EDSA” ni David Michael San Juan.
Reference Key
persistent_1760650164_68f163b4e020c Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Ronnel B. Agoncillo Jr.
Journal Malay Journal
Year 2024
DOI
10.59588/2243-7851.1002
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.