Pagbagtas sa Politika ng Mala-Baklang Espasyo sa Naratibo ng Gaya sa Pelikula: Pagsipat sa Pagpapahalaga sa Pagpapakatao ng Baklang Pilipino
Clicks: 4
ID: 283974
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This
article has not been analysed, so there is no overall score —
reader engagement is measured and shown alongside.
Reader Engagement
Emerging Content
0.9
/100
4 views
0 readers
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
EmergingRanked #499 of 3,757 articles by views in Malay Journal
Most read
Least read
Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
5
SUSD
one-off · no wallet required
Abstract
Hindi maitatanggi na tinangkilik ng Pilipino netizens ang Thai Boy’s Love (BL) Series noong pumutok ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) noong 2020. Ito ang yumakap sa kanila sa panahong ito na walang dalang katiyakan at kasiguraduhan, at naghahanap ng pagkalinga mula sa pagkakawalay sa mga mahal nila sa buhay dulot ng ipinatupad na malawakang lockdown sa bansa. Mula sa pagsikat ng Thai BL series ay pinasok rin ng Pinoy sa paggawa ng sariling BL series. Isa na rito ang Gaya sa Pelikula (2020) na tinangkilik ng mga Pinoy netizen dahil sa mga mensahe nitong pagbawi sa kuwento/naratibo ng mga Pilipinong bakla. Sa Pilipinas, hindi gaanong naririnig ang naratibo ng mga bakla sapagkat hindi naman sila nabibigyan ng boses upang ilahad ang kanilang kuwento. Kulang din ang naging representasyon sa kanila katulad sa mga palabas sa telebisyon at pelikula. Kaya naman, patuloy pa rin nating naririnig ang mga balita hinggil sa mga pang-aabuso at diskriminasyong kinaharap ng mga miyembro ng LGBTQ+, lalo na sa kasagsagan ng pandemya. Marahil ay nakaugat ito sa pagtingin sa mga bakla na “salot sa lipunan.” Sa kabila nito, patuloy pa rin hanggang ngayon ang pakikibaka nila sa kanilang representasyon, at pagbabahagi ng kanilang mga kuwento upang maging ganap ang kanilang pagiging kabahagi sa espasyo ng lipunang Pilipino. Kaya naman, sinikap ng papel na ito na tukuyin ang mga politika ng mala-baklang espasyo na umangat sa Gaya sa Pelikula, at ang lumutang na pagpapahalagang pagkatao sa mga bakla buhat sa mga nasipat na politika. Tiningnan din sa pag-aaral na ito ang halaga ng pagbagtas ng mala-baklang espasyo sa pagsipat sa pagpapahalaga sa pagpapakatao ng baklang Pilipino. Ipinaliwanag din dito kung paano magiging alternatibong daan ang konsepto ng mala-baklang espasyo sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay at pagbibigay-boses sa mga baklang Pilipino. Hangad ng pananaliksik na ito na maisulong ang mga adbokasiya at mga hakbangin na nangangalaga ng karapatan ng mga LGBTQ+ sa bansa.
| Reference Key |
persistent_1760650154_68f163aacafb2
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Ayala, Angelo V. |
| Journal | Malay Journal |
| Year | 2024 |
| DOI |
De La Salle University Publishing House
|
| URL | |
| Keywords | Keywords not found |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.