Integrasyon ng Kulturang Bago sa Pagtuturo ng/sa Filipino

Clicks: 2
ID: 283973
2024
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality
Not rated
Combines reader engagement with the AI quality analysis. This article has not been analysed, so there is no overall score — reader engagement is measured and shown alongside.
AI Quality Assessment
Not analyzed
Readership in this journal
Emerging

Ranked #853 of 3,757 articles by views in Malay Journal

Most read Least read

Bar heights use a square-root scale. Only the 120 most-read articles are drawn; the journal has 3,757 in total.

Mint this article as an NFT
Not yet minted

Create a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.

5 SUSD one-off · no wallet required
Abstract
Sa harap ng paglamon ng dominanteng kultura sa mga kultura ng minoryang pangkat at hamon ng unti-unting pagkawala ng kultural na identidad, mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng integrasyon ng kultura sa pagtuturo ng araling pangwika. Isa sa mga pangkat na nahaharap sa ganitong hamon ay ang mga Bago. Ang mga Bago ay ang pangkat etniko na naninirahan sa pagitan ng Kordilyera at Rehiyong Ilokos. Layunin ng kuwalitatibong-Penomenolohikal na pag-aaral na ito na alamin ang integrasyon ng kulturang Bago sa pagtuturo ng Filipino. Gamit ang pakikipanayam, focused group discussion (FGD), at pagsusuri sa learning module ng guro at aktibidad ng mag-aaral, lumitaw ang sumusunod na tema: a) panlipunan at pangkulturang pagdulog sa pagtuturo ng Filipino, b) pagtatamo ng kultural na kaalaman: pagkilala sa kulturang Bago, c) pagtatamo ng kultural na kamalayan: pag-unawa sa kulturang Bago, d) pagtatamo ng kultural na kasanayan: ang panlipunang tungkulin ng integrasyon ng kulturang Bago, at e) kulturang Bago na naiuugnay sa pagtuturo ng Filipino. Sa pamamagitan ng integrasyon ng kulturang Bago, nakita ang mga kultural na impormasyon na naiuugnay sa pagtuturo tulad ng konsepto ng Bago sa sirkulo ng buhay, gayundin ang pagpapakilala ng kanilang sining, kultural na pagpapahalaga, at mga materyal na kultura. Lumitaw rin ang pagdulog ng guro sa pag-uugnay ng pagtuturo tulad ng pagbibigay ng halimbawa at pagkukuwento hinggil sa kulturang Bago, pagmasid sa lipunang Bago, at pakikipanayam sa mga amang at inang. Ang integrasyon din ay nagbibigay daan upang matamo ng mag-aaral ang kultural na kaalaman, kamalayan, at kasanayan dahil nakikilala ng mag- aaral ang kanilang identidad, madaling nakauugnay ang mag-aaral sa aralin, nauunawaan nila ang kulturang kaiba sa kanilang kultura, at nakalalahok ang mag-aaral sa paglutas ng iba’t ibang hamong kultural tungo sa pagpapanatili ng panlipunang kaayusan. Tunay ngang sa sariling kultura din matatagpuan ang pagpapaunlad ng “kaakuhan.”
Reference Key
persistent_1760650142_68f1639ebce0c Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Billy D. Fabro, Ma. Flora May A. Garcia, John A. Amtalao
Journal Malay Journal
Year 2024
DOI
10.59588/2243-7851.1005
URL
Keywords Keywords not found

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.