SA REPOSITORYO NG MGA KULTURANG MATERYAL: PERSONAL NA TALA NG PAGLALAKBAY UKOL SA MGA MUSEO SA IBAYONG DAGAT NG ASYA-PASIPIKO AT EUROPA
Article Quality & Performance Metrics
Mint this article as an NFT
Not yet mintedCreate a permanent, verifiable on-chain record of this article on the Scimatic Network. The NFT is held in your Journament account, and you can withdraw it to your own wallet at any time.
Abstract
Larawan ng isang lipunan ang pagkakaroon ng mga museo bilang lagakan o repositoryo hindi lamang ng mga kulturang materyal ngunit maging ng mga salaysaying-bayang nakakabit sa pambansang kasaysayan at pambansang kamalayan ng mga mamamayan nito. Gayumpaman, bukod sa naghahatid ito ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, kung minsan ay nagiging aparato rin ng mga propagandang maaaring mag-angat o magsantabi sa isang partikular na pangkat. Dahil karamihan sa mga museo ay binuo sa panahong post-kolonyal, maaaring pagnilayan ang namamayaning naratibo, representasyon, at pag-alala sa mga ito. Sa bawat museo, naitatanghal ba ang mga katutubo, kolonyal, o post- kolonyal na kaisipan at pagpapakahulugan? Patas ba ang pakikisangkot ng bayan bilang nilalaman at bida ng mga museo, o tagatangkilik o tagamasid lamang sila sapagkat dinodomina na rin ito ng mga naghahari at makapangyarihang naratibo? Aambagan ng sanaysay na ito ang napapanahon at makabagong pagtingin sa museolohiyang kakawala sa naghaharing pananaw at pamantayan ng Kanluran—na kadalasa’y nagtanghal, walang humpay na nagbigay ng pagpapakahulugan, sa Silangan nitong mga nagdaang panahon. Bagaman hinugot at isinentro ito mula sa mga personal na paglalakbay, pagsusuruy-suroy, at obserbasyon ng may-akda sa mga museo nang siya’y maglakbay sa iba’t ibang bansa sa Asya-Pasipiko at Europa sa pagitan ng taong 2014 at huling bahagi ng 2019, naglatag naman ito ng ilang kritikal na pagsusuri at pagtingin tungkol sa (1) pagkakahati at nilalaman ng mga museong kanyang narating; (2) kalagayan ng mga artifact (sampu ng mga posibleng isyu rito); at (3) representasyon at layuning “isabansa” ang mga museo, na siyang maaaring ilapat din sa lipunang Pilipino. Liban pa rito, nilayon din ng sanaysay na ambagan ang umuusbong na Araling Kabanwahan—ang pag-aaral tungkol sa ugnayan/pag-uugnay-ugnay ng Pilipinas at ng mga ibang bayan sa labas nito na umaayon sa diwa, talastasan, at tunguhin ng pagka-Pilipino.
| Reference Key |
tugano2022sa
Use this key to autocite in the manuscript while using
SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
|
|---|---|
| Authors | Tugano, Axle Christien |
| Journal | Entrada |
| Year | 2022 |
| DOI |
10.70922/d8797v42
|
| URL | |
| Keywords |
Citations
No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org
ZincirX productsfrom the team behind Journament
-
PatentYazar
Patent drafts for the EPO, USPTO and TürkPatent
From inventor notes to a DOCX draft: description, claims, abstract. The machine drafts, the attorney signs.
See how it works (opens in a new tab) -
Projenator
Have a project idea? Score and plan it with AI
AI scores your idea in five dimensions and builds a phased plan. Your first project is free, no card needed.
Start your first project (opens in a new tab)
Cookies
We use strictly necessary cookies to run the site and keep you signed in. With your permission we would also use Google Analytics to see how the site is used, and Google AdSense to show ads on journal and article pages. Both stay off unless you accept, and you can change your mind at any time. How we use cookies · KVKK notice (Türkiye)
Cookie settings
Comments
No comments yet. Be the first to comment on this article.