PERSPEKTIBO NG MGA GURO SA LIKOD NG PABAGO-BAGONG TUNTUNIN NG ORTOGRAPIYANG FILIPINO

Clicks: 29
ID: 282350
2025
Article Quality & Performance Metrics
Overall Quality Improving Quality
0.0 /100
Combines engagement data with AI-assessed academic quality
AI Quality Assessment
Not analyzed
Abstract
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matuklasan at galugarin ang karanasan at pananaw ng mga Guro sa Likod ng Pabago-bagong Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng kwalitatibong disenyo at batay sa pitong partisipante na mga Guro sa Filipino na nagtuturo sa Kolehiyo at Pribadong paaralan ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST), Kapalong College of Technology (KCTI), Inc at Maryknoll High School. Ginamit ang metodong triangulation sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng pinalalim na pahayag (in-depth interview). Ang resulta ng pananaliksik na ito ay napapangkat sa dalawang katanungan: una, ang karanasan ng mga guro sa likod ng pabago-bagong tuntunin ng ortograpiyang Filipino, nakapaloob dito ang tatlong pangunahing tema: Kalituhan sa pagpapatupad ng mga tuntunin, kakulangan ng mga libro at kagamitan, at magkaibang pinagbabasehan sa pagtuturo. Pangalawa, pananaw ng mga guro sa likod ng pabago-bagong tuntunin ng ortograpiyang Filipino. Napaloob dito ang tatlong pangunahing tema: paglaanan ng oras sa pag-aaral, magkaroon ng sapat na kagamitang panturo, at pagiging bukas ang loob sa mga pagbabago. MGA SUSING SALITA: Guro sa Filipino, pabago-bagong tuntunin, ortograpiyang filipino, kwalitatibo, Pilipinas
Reference Key
christian d. sison2025perspektibo Use this key to autocite in the manuscript while using SciMatic Manuscript Manager or Thesis Manager
Authors Christian D. Sison
Journal EPRA International Journal of Multidisciplinary Research (IJMR)
Year 2025
DOI
10.36713/epra19787
URL
Keywords

Citations

No citations found. To add a citation, contact the admin at info@scimatic.org

No comments yet. Be the first to comment on this article.